at last natapos din pagload nutong interface ng blogger, ang tagal.
anyway, nagfrisbee kami for the 2nd time, yun dati sa may sun dial, last friday sa sunken.
nung una nagbabatuhan lang kami ng frisbee, walang patutunguhan kasi di naman talaga kami marunong nun.
ang plano pa maraming orgmates na sasama, in the end 3 lang kami. hindi man lang makabuo ng isang team.
medyo maputik pa sa sunken kaya mahirap maglakad at tumakbo.
after mga 20 mins kaming nagbabatuhan, may lumapit samin na pro player, si kuya mhel ng UP UNO ata yun. basta yung org ng frisbee players.
astig tinuruan nya kami ng basics.
may dala pa sya sariling frisbee, mas malaki kesa dun sa ginagamit namin.
pangit daw gamitin pangpractice yung maliit na frisbee.
tinuro nya samin yung iba't ibang throws:
forehand, backhand, overhead, etc.
dahil imba pro player na sya dami syang alam na throws tapos laging sakto kung kanino nya ibigay.
more than 2 hours din kami tinuruan, buti di sya nafrustrate kakaturo samin haha.
ang hirap pala magfrisbee, masakit sa kamay. namaga kamay namin dahil sa bigat nung frisbee.
tapos 2 days ring masakit katawan ko, nabigla sa laro.
ang usual na exercise lang naman na meron ako eh pag nagcocomputer, daliri lang.
looking forward to the next frisbee game.
No comments:
Post a Comment